LUCKY SERIES: Undeniably Destined (Part 2)

“Good Morning Ms. Sarmiento.” Maaliwalas ang ngiti nang babae na nagsabi noon, sa tingin ni Anice ay secretary nang may-ari nang kumpanya na papasukan nya.

Ngumiti rin sya. “G-good Morning din.”

“Ang aga mo Ms. Sarmiento. Wala pa si Sir. Pero padating na yun for sure. Hindi na le late yun.” Masiglang sabi nang babae. Umupo ito sa swivel chair na kanina ay inuupuan nito. “Upo ka. Coffee?” Alok nito.

Umupo sya sa upuan na nasa gilid nang table nito at umiling. “N-no, thank you. Baka mas lalo ako nerbyusin.” Sabi nya.

“You’re nervous? Wow. Don’t be. Mabait si Mr.Cheng, i assure you.” Sincere naman na sabi nang babae.

“S-sana nga. By the way, i’m Anice.” Inilahad nya ang palad. Hindi kasi sya sanay na nakikipag usap sa isang tao na hindi nya alam ang pangalan.

Inabot naman nito ang kamay nito. “Vivian Recio.” Sabi naman nito.

“Nice knowing you.”

“Same to you! Sya nga pala, balita ko, close mo si Chloe?”

Nangunot ang noo nya. Hindi nya alam kung ano ang isasagot dahil hindi nya alam kung insulto iyon dahil wala sa mukha at itsura ni Vivian ang nais ipahiwatig nito.

“Ah, no. Don’t get me wrong, okay? Okay lang yun. Studyante ka naman kahit na siya ang nag lakad sayo rito.” Paliwanag nito.

Magsasalita pa sana sya nang bumukas ang elevator sa gawi’ng kanan nya at may lumabas na lalaki in his mid fifties. Singkit ito at puti na ang iila’ng buhok. Napatayo sya. Ito na marahil ang Mr.Cheng na magigi’ng amo nya.

“Good Morning Sir!” Masiglang bati ni Vivian.

Unti unti ay sumilay ang ngiti sa mga labi nang lalaki habang papalapit ito. “Good Morning Vivian.” Sabi nito at binalingan sya nang tingin.

“Ah, sir. Sya po si Ms.Sarmiento, remember? Y-yung sinabi po ni Chloe at ni Sir Enrico?” Salo naman ni Vivian.

TUmango-tango ang matanda. Yeah, i remember. Follow me on my office, hija.” Pinihit na nito ang seradura nang muli’ng tumigil. “Ah, Vivian, can you bring us some wine?” na ikinagulat nya.

Napa awang sya.

“Come in, Ms.Sarmiento.” Muli ay aya nito. Mukhang magiliw ang lalaki at bagamat medyo malaki ang tiyan nito ay maaaninag pa rin ang dati’ng itsura nito noon.

Inilapag nito sa lamesa ang dala nito’ng attache case at naupo sa malaki’ng swivel chair nito. “Have a seat.” Which she did.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.